Huwebes, Setyembre 22, 2016

"Limang anak, Limang lahi" (Napanood)

     Pamilyang magkakaibang lahi, si Hannah ay isang pole dancer ang una niyang anak ay Korean  pangalawa ay Canadian pangatlo ay British pang-apat ay Indian at ang huli niyang anak ay Pilipino. Lahat yan ay anak ni Hannah sa iba't-ibang ama, isa sang single mother sa GMA CAVITE nakatira. Dahil nga sa kakaibang sitwasyon madalas siyang pag-usapan ng mga tao na nakapaligid sa kanya, pag dating niya ng 18 years old siya ay nag trabaho na. Siya ay nag umpisang pumasok sa bar at doon nag umpisa ang masalimuot niyang love life. Sinisikap niyang mabuting ina sa kanyang mga anak, madaling mang husga ang mga taong nakapaligid sa atin pero hindi natin alam na kahit anong pag-subok ito ay nalalagpasan. Madaling mang husga sa katulad ni Hannah, pero dapat mapaalam din at maikwento ang lahat ng kaniyang pinag daanan at nalagpasan ilang beses man nabigo, lumalaban parin alang-alang sa kanyang mga anak at minamahal.
     Sa panahon ngayon panlabas na anyo na ang tinitignan ng mga tao, at madaling mang husga sa kapwa natin pero naisip ba natin ang kalagayan nila. Kung bakit sila ganon at lahat g tao may kanya-kanyang pinag dadaanan sa buhay. Kahit iba'-ibang lahi at ang wika nila ay Pilipino dito sila lahat ipinanganak, mahilig silang pag usapan at gamitan ng masasakit na salita at hindi kaaya-aya sa damdamin ng pamilya ni Hannah.
     Ang tungkulin ng wika na ginamit ay Instrumental sapagkat tumutugon sa mga pangangailangan, alimbwa nalang ng suporta galing sa mga ama ng mga bata dahil si Hannah nalang ang bumubuhay sa limang anak niya. Gumamit din ng Imajinativ sapagkat nakakapagpahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan, halimbawa nalang ng pag sayaw niya sa bar bilang pole dancer ito yung paraan niya para mabuhay ang kaniyang mga anak. Ang antas ng wika na ginamit ay Balbal o Pangkalye, halimbawa nalang ng mga salitang binabato sa pamilya niya na hindi kaaya-aya na dapat mapakinggan, at pinag uusapan sila dahil sa iba't ibang lahi ng anak niya madalas silang pag usapan ng mga tao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento